Kapitan ng Barangay, Binatikos hinggil sa Pagkabura ng Impormasyon sa SAC Form

*Cauayan City, Isabela*-Nilinaw ni Kapitan Jaime Partido ng Barangay Marabulig 1 sa Lungsod ng Cauayan ang nangyaring pagkabura sa ilang impormasyon na nakasaad sa Social Amelioration Card Form ng mga residente sa kanyang nasasakupan.

Ito ay matapos umani ng samu’t saring komento sa Social Media ang nangyari sa mga card form na di umano’y sinadyang burahin.

Ayon kay Partido, may dumating na masterlist mula sa Department of Agriculture para sa mga mabibigyan ng ayuda subalit hindi dapat madoble ang pagbibigay ng tulong pinansyal kaya’t kinailangang bawiin at ibigay sa iba pang nangangailangan ng nasabing tulong mula sa gobyerno.


Giit pa ng opisyal na kabilang ang mga tanod ng barangay sa naunang nakapagtala ng impormasyon sa pagkakaroon ng ayuda at ang ilan ay kinailangang tanggalin ang pangalan para matiyak ang pagkuha ng iisang ayuda.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang opisyal sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development para sa gagawing hakbang kaugnay sa mga napalitan at naburang card form.

Facebook Comments