KAPITAN NG BARANGAY PAITAN, STA. MARIA, PANGASINAN, PINAGBABARIL

Patay sa pamamaril ang isang 60 anyos na incumbent Barangay Captain matapos pagbabarilin sa bahagi ng bypass road ng Barangay Paitan, Sta. Maria, Pangasinan.

Sa inilabas na inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas otso trenta ng umaga ngayong araw nang maganap ang insidente.

Sakay umano ng tricycle ang biktima habang binabagtas ang lugar at dito na ito inabangan ng suspek sakay ng isang motorsiklo sa gilid ng kalsada at pinagbabaril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang nasa anim na basyo ng caliber 45 pistol.

Nagtamo ng tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at itinakbo pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ilang residente ng barangay, mabait, tahimik at marami umanong tinulungan ang kapitan sa kanyang pamumuno nito.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.

Sa ngayon, nagsagawa na ng Dragnet at Checkpoint operations ang pulisya para sa posibleng pag-aresto sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments