Kapitan ng Barangay, Patay sa Pamamaril ng riding-in-tandem criminals

Cauayan City, Isabela- Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem criminals ang isang barangay kapitan bandang 12:15 ng tanghali sa Brgy. Dammang East, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Sacro, 60-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Buselelao sa nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Echague Police Station, nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima pauwi sa kanyang bahay ng biglang pagbabarilin ng riding-in-tandem na sakay ng isang Honda TMX 125.


Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima dahil sa kanyang tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan subalit hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

Agad namang nakatakas ang mag suspek sa hindi mabatid na direksyon.

Samantala, magbibigay naman ng P500,000 pabuya si Mayor Kiko Dy sa makakapagturo ng kinaroronan ng mga suspek hinggil sa pagpatay sa kapitan.

Facebook Comments