Kapitan ng binanggang barko sa Recto Bank, umatras sa pulong kay Duterte

Image via PNA

Hindi matutuloy ang pagpupulong mamaya nina Pangulong Rodrigo Duterte at kapitan ng F/B Gem-Ver 1 na umano’y sinalpok ng mga Chinese vessel sa Recto Bank nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Director Elizer Salilig, tumanggi si Junel Insigne makipagkita kay Duterte dahil traumatized pa rin ito sa insidente. Aniya, imbes na pumunta sa Palasyo, nagdesisyon ito na umuwi sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro.

Sa mga naunang ulat, gustong hilingin ni Insigne kay Duterte ang mga sumusunod – tulong para maipagawa ang barkong nawasak, ipagbawal sa Recto Bank ang mga mangingisdang Intsik at panagutin ang mga sangkot na Chinese crew.


Pahayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ngayong umaga, iinspeksyunin niya ang nasirang barko sa Miyerkules. Nagbigay na din ng tulong pinansyal ang pamunuan sa mga mangingisdang biktima.

Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng reaksyon si Duterte ukol sa pangyayari. Giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinapaimbestigahan na ito ng Pangulo.

“The President is a very cautious man. If you notice, he makes calibrated responses,” ani Panelo.

Facebook Comments