KAPITAN NG BRGY. STA. ISABEL SUR, ILAGAN CITY NA SUSPEK SA PAMAMARIL, KUSANG SUMUKO

Cauayan City – Kusang sumuko kahapon, ika-labing apat ng Enero sa harap mismo ng mga awtoridad at ni Ilagan City Mayor Hon. Jay Diaz ang punong barangay ng Sta. Isabel Sur, Ilagan City, na sangkot sa pamamaril sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, ang Punong Barangay ay kinilalang Si Joseph Uy Jr., habang ang biktima nito ay Reynaldo Terenal na residente rin sa lugar.

Bago mangyari ang pamamaril, magkaharap sa inuman ang suspek at ang biktima kasama ang dalawa pang indibidwal nang magkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa dahilan upang magalit ang suspek at umalis sa lugar.


Makalipas lamang ang ilang sandali, bumalik ang kapitan sa lugar dala ang isang baril na siyang ginamit nito upang barilin ang biktima sa ulo at dali-daling umalis.

Sa kasalukuyan, kritikal naman ang kalagayan ng biktima na ngayon ay kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan.

Nagpaabot na rin ng tulong si Ilagan City Mayor. Jay Diaz sa biktima.

Facebook Comments