Kapitan ng lumubog na PH fishing vessel, iginiit na sinadya silang banggain ng Chinese vessel

401

Sinadya umanong banggain ng Chinese vessel ang bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank noong Linggo.

Ito ay ayon sa kapitan ng lumubog na F/B Gemvir 1 na Si Jonel Insigne.


Kwento niya – maliwang ang bangka nang mangyari ang insidente dahil nagpapahinga sila ng mga oras na iyon.

Pagkatapos silang banggain, binalikan pa sila ng nasabing Chinese vessel pero sa halip na tulungan, pinailawan lang sila saka umalis.

Sinundo ang 22 mangingisda ng BRP Tausug sa BRP Ramon Alcaraz mula sa barkong Vietnamese na nagligtas sa kanila pabalik sa kanilang mga pamilya sa Occidental Mindoro.

Sinalubong sila ni BFAR Regional Director Elizer Salilig kasabay ang pagbibigay ng 22 sako ng bigas.



Nangako rin ang opisyal na bibigyan sila ng 22 fiberglass boat kasama ang makina at mga net para maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.

Facebook Comments