Sugatan ang isang Barangay Chairman matapos na tagain ng isang lalaking nag-aamok sa Brgy. Nibaliw Vidal, San Fabian, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon, nirespondehan ng barangay ang reklamo sa isang lalaki na naghahamon ng gulo sa nasabing lugar.
Inabutan nila ang lalaki na nakatayo sa kalsada hawak ang isang itak at biglang umatake nang kumbinsihin ng kapitan na ibaba ang dalang patalim.
Nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang biktima dulot ng pagsangga nito sa pag-atake ng suspek.
Bukod dito, isa pang indibidwal ang nabiktima at nagtamo ng taga sa kaliwang balikat matapos subukan rin na awatin ang suspek.
Parehong isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima para sa paunang lunas habang.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek pati na rin ang ginamit nitong itak sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









