Kapitbahay, sinalo ang mga bata mula sa bintana ng nasusunog na bahay

717
Kuha ng natupok na bahay ng pamilyang sinagip ni Mario Reyes. PHOTO: Piscataway Township

Buwis-buhay ang pagsagip ng isang lalaki sa nasunugang pamilyang may pitong miyembro sa New Jersey, US, noong Marso 10.

Sa Facebook page ng awtoridad sa Piscataway, pinuri nila ang kabayanihan ng residenteng si Mario Reyes na kapitbahay lang ng nasunugan.


Ayon sa post, sinalo ni Reyes ang isang sanggol at isang paslit na kinailangang ilabas ng nanay mula sa bintana ng dalawang palapag na bahay.

Matapos masiguro ang lagay ng dalawa, pumasok naman sa nag-aapoy na bahay ang bayani upang tulungang makalabas ang ibang miyembro, kabilang ang isang nakatatanda.

Apat na fire department ang rumesponde sa insidente, habang naka-standby naman ang mga emergency medical services.

Naisugod sa pagamutan ang buong pamilya, habang tuluyang natupok ng apoy ang kanilang bahay.



“This man was an absolute hero. He caught babies, he broke down bars, and if they didn’t react the way they did, I’m certain that no one would’ve survived that,” kuwento ng isa pang kapitbahay na tumawag sa 911 upang humingi ng tulong.


“We saw that he took the sledgehammer and he knocked out the bars that were on the basement window and we saw the man come out and so, I ran inside and I grabbed some clothes,” dagdag ng residente.

Facebook Comments