Monday, April 13, 2026

KAPIYESTAHAN SA SAN JACINTO, NAGING PAYAPA AT MAAYOS- PNP

Naging pangkalahatang mapayapa at maayos ang pagdaraos ng kapiyestahan sa bayan ng San Jacinto, kabilang ang isinagawang “Kalutan ed Dalan 2026.”

Ayon sa ulat, walang naitalang malalaking insidente sa buong duration ng selebrasyon, na nagpapakita ng maayos na koordinasyon at paghahanda ng mga kinauukulan.

Malaki ang naging papel ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan, force multipliers, at lokal na pamahalaan na naka-deploy sa iba’t ibang fixed points sa buong bayan. Layunin ng kanilang presensya na matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo at mapanatili ang kaayusan habang isinasagawa ang mga aktibidad.

Sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay at aktibong pakikipagtulungan ng bawat sektor, naging matagumpay ang selebrasyon nang walang aberya.

Ipinapakita rin ng kinalabasan ng okasyon ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang masiguro ang ligtas at masayang pagdiriwang ng mga tradisyunal na pista sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments