Manila, Philippines – Wala munang plano ang Department of Tourism (DOT) na muling isagawa sa Pilipinas ang Miss Universe pageant.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kakatapos lang naman ganapin sa bansa ang nasabing pageant at kapos na din sa budget ang gobyerno para dito.
Maari pa rin naman daw itong ganapin sa ibang taon dahil mas marami pa din dapat asikasuhin sa DOT.
Ikinalungkot din ni Puyat ang nadiskubre nitong mga gastos ng DOT sa pamumuno ni dating Secretary Wanda Teo kung saan malaking pera ang inilalabas nito.
Kaugnay nito, nanawagan na si Puyat sa Commission on Audit (COA) na magdagdag ng mga auditors sa DOT para i-double check ang mga nagastos ng dati at kasalukuyang mga opisyal na nakaupo dito.
Facebook Comments