KAPULISAN, MULING IGINIIT SAPUBLIKO ANG ROAD SAFETY KAUGNAY SA MGA NAITATALANG ROAD ACCIDENTS SA LALAWIGANNG PANGASINAN

Muling iginiit mula sa hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan ang ukol sa Road Safety bunsod ng mga naitatalang road accidents sa lalawigan dahil sa ilang mga kapabayaan sa pagmamaneho.
Pinaalala ang kahalagahan ng pagtalima sa mga batas trapiko tulad na lamang ng kadalasang nalalabag na beating the red light at pinagmumulan din ng mga mabibigat ng mga disgrasya.

Binigyang diin ang pagkakaroon ng mga kinakailangang dokumento at pagtitiyak na nasa kondisyon ang mga sasakyan kung gagamitin ang mga ito sa pagmamaneho.

Bahagi pa nito ang pagsusulong ng mga awareness at educational campaigns partikular sa mga menor de edad o mga kabataan lalo na at sila ay kadalasang mapabilang sa mga road incidents at ang pagkakaroon ng mga karampatang parusa para sa mga byahero at motoristang lumalabag sa batas trapiko.
Bunsod ito ng kailan lamang naitalang mga road accidents sa lalawigan ng Pangasinan kung saan ang mga biktima sa aksidente ay nasasawi. |ifmnews
Facebook Comments