KAPULISAN NG ISABELA, NAGSAGAWA NG OUTREACH PROGRAM, 997 INDIBIDWAL, NABENEPISYUHAN

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang outreach program ng PNP Isabela na nakaugnay sa pagdiriwang ng ika-38 Anibersaryo ng EDSA People’s Power.

Ang programa ay pinangunahan ni Provincial Director PCOL LEE ALLEN B BAUDING kasama ang lahat ng kasapi ng kapulisan at opisyales sa buong lalawigan ng Isabela.

Sa pamamagitan din ng Project LABB o Law Enforcement, Anti-illegal Drugs and Criminality, Bureau Transformation, and Building Community Relations ay nabigyan ng pangkabuhayan showcase para sa sari-sari store ang dalawa sa mga napiling benepisyaryo.


Kabilang sa ipinagkaloob na tulong ng kapulisan ng Isabela, ang pamamahagi ng Food Packs; Vegetable seedlings; School Supplies at Books; Assorted Medicines at Vitamins; Sandals at Slippers; Live Chicken; Libreng Gupit; Free BP Monitoring; Tree Planting Activity, Lecture at Dialogue.

Pangunahing layunin ng aktibidad na makapaghatid ng tulong sa mga Isabeleño lubos na nangangailangan ng tulong alinsunod sa EO 70 (NTF-ELCAC).

Facebook Comments