KAPULISAN NG ISABELA, TUMULONG SA TREE PLANTING NG LGBTQ+IA QUIRINO CHAPTER

Cauayan City, Isabela- Aktibong nakiisa ang kapulisan ng Lalawigan ng Isabela sa pamumuno ni PCol Julio, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa isinagawang Tree Planting Activity ng LGBTQ+IA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, (questioning), intersex, asexual, and agender community)- Quirino Chapter sa Brgy. Villa Miguel, Quirino, Isabela.

Ito ay isa sa paraan ng pagdiriwang naturang grupo ng LGBTQ Pride Month 2022 ngayong buwan ng Hunyo taong kasalukuyan.

Umabot sa 500 na G-Melina Seedlings ang naitanim ng kapulisan ng Isabela at LGBTQ Community.

Labis naman ang pasasalamat ni Mr. Hilmar “Roxane” T. Rivera, President ng LGBTQ-Quirino Chapter at Vice President rin ng Advocacy Council sa partisipasyon at suporta na ibinigay ng mga kapulisan sa kanilang inorganisang aktibidad.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng Zumba Dance kung saan nagpakita ng husay sa pagsasayaw ang naturang grupo maging ang mga kapulisan ng Isabela.

Facebook Comments