
Nakiisa ang mga tauhan ng Alaminos City Police Station sa isinagawang mangrove tree planting activity sa Mangrove Park sa Brgy. Bued, Alaminos City.
Layunin ng aktibidad na isulong ang pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan, lalo na ang pagpapalakas ng mga bakawan na mahalaga sa proteksyon ng baybayin at yamang-dagat ng lungsod.
Ayon sa pulisya, ipinapakita ng kanilang pakikilahok na hindi lamang sila nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi maging sa mga programang may kinalaman sa pangangalaga ng kapaligiran.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga kandidata ng Ms. Hundred Islands 2026 kasama ang iba’t ibang kinatawan ng partner agencies, bilang bahagi ng sama-samang kampanya para sa environmental awareness at sustainability. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










