Kapulisan sa Cagayan De Oro, nakaalerto dahil sa presensya ng mga armadong grupo

Manila, Philippines – Nakaalerto ngayon ang kapulisan ng Cagayan De Oro City Police Office o COCPO na ipinakalat sa hinterland barangays ng siyudad.

 

Ito’y matapos may nakitang mga armadong grupo na dumadaan sa barangay Tuburan.

 

Ayon kay COCPO spokesperson Mardy Hortillosa na naniniwala silang mga miyembro ng rebeldeng grupo ang mga ito kaya siniguro ng pulisya ang seguridad ng mamamayan sa naturang lugar.

 

Pinasusuri rin nila ang report na may mga pinaghihinalaang rebelde sa barangay Baikingon na nanghihingi ng pagkain at kumuha ng pera sa mga residente.

Facebook Comments