Sumailalim sa mandatory drug testing ang lahat ng personnel ng Mangaldan Municipal Police Station kahapon, Pebrero 17, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra droga.
Ayon sa ulat, isinagawa ang pagkuha ng specimen ng mga awtorisadong health at forensic personnel upang matiyak na maayos, transparent at sistematiko ang proseso.
Ang aktibidad ay alinsunod sa ipinatutupad na Internal Cleansing Program ng Philippine National Police na naglalayong tiyakin na ang lahat ng uniformed at non-uniformed personnel ay sumusunod sa itinakdang pamantayan ng serbisyo.
Sa pamamagitan ng regular na mandatory drug testing, pinananatili ng organisasyon ang isang drug-free na hanay ng kapulisan bilang bahagi ng kanilang responsibilidad sa publiko.
Facebook Comments










