Misamis Oriental – Nakahanda na ang kapulisan sa probinsya upang magbantay sa araw ng mga patay.
Ayon kay Misamis Oriental Police Provincial Director Sr. Supt. Rolando Destura, higit limang-daang pulis ang idedeploy sa iba’t-ibang area sa Misamis Oriental.
Tig-aanim na pulis ang ilalagay sa limamput-tatlong sementeryo ng lalawigan.
Babantayan rin aniya nila ang higit isandaang resort sa probinsya.
Samantala, sinabi naman ni Misamis Oriental Governor Bambi Emano na makakatulog siya ng mahimbing dahil siguradong mababantayang maigi ang paggunita sa araw ng mga patay.
Facebook Comments