KAPULISAN SA PANGASINAN, PUSPUSAN NA ANG PAGHAHANDA PARA SA PINAIGTING NA SEGURIDAD SA SEMANA SANTA

Puspusan na ang paghahanda ng hanay ng kapulisan sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa mga matataong lugar ngayong nalalapit na paggunita ng Semana Santa.

Sa bayan ng Lingayen, sinabi ni Lingayen Police Station Operations Officer PCapt. Henry Catabay na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga simbahan at maging sa Lingayen Beach, na inaasahang dadagsain ng mga deboto at turista.

Samantala, ayon kay Mangatarem Police Station Chief PMaj. Arturo Melchor, nakaantabay na rin ang kanilang mga tauhan sa pagdating ng mga bisita, partikular sa mga resort at sa kilalang Pacalat River na dinarayo tuwing bakasyon.

Sa kabuuan, tinatayang nasa 55,000 pulis ang ide-deploy sa buong bansa bilang bahagi ng Oplan Ligtas SUMVAC upang matiyak ang mapayapa at ligtas na Semana Santa at paparating na Summer Season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments