KAPUSO FOREVER | Gabbi Garcia, itinanggi na lilipat ng ibang network

Manila, Philippines – Todo deny ngayon ang aktres na si Gabbi Garcia na lilipat na daw siya ng ibang TV network.

Nag-ugat kasi ang balita mula nang mag-post ito sa kaniyang twitter account na “how 2 make the right decision” laya at hinala ng iba na mag-o-ober da bakod na din siya sa kapamilya network tulad ng ibang artista na natapos na ang kani-kanilang project sa Kapuso.

Pero say ni Gabbi, walang kinalaman daw ang kaniyang tweet sa trabaho at hindi daw niya knows na magkakaroon ng iba’t-ibang espekulasyon ang mga nakabasa nito dahil sa paggamit niya ng number na “2”.


Nagkataon ding ipinost niya ito ilang araw matapos mamatay ang karakter niya sa prime time series.

Sa huli, say ng aktress na wala daw siyang planong lumipat ng ibang network at long-term ang kaniyang kontrata sa Kapuso.

Facebook Comments