KAPUSO | John Estrada at Wendell Ramos, lumipat na ng TV network

Manila, Philippines – Ikinatuwa ngayon ng mga fans nina John Estrada at Wendell Ramos ang ginawa nilang paglipat ng TV network.

Nabatid kasi na pumirma na ng program contract si John sa kapuso network kung saan una nitong lumutang noong nakaraang linggo matapos na tapusin ang karakter nito sa isang teleserye.

Itinanggi din ni John na dahilan ng kaniyang paglipat ay ang naging alitan daw nila ng co-star niyang si Mylene Dizon sa set ng teleserye, kung saan inakusahan siya pananantsing at pananakit.


Samantala, balik kapuso network ang aktor na si Wendell Ramos matapos ang pitong taon.

Ngayong darating na Abril ay magsisimula na si Wendell para sa upcoming prime time series kung saan makakasama niya rito ang mga beteranong artista na sina Nora Aunor, Gardo Versoza, Luis Alandy, Mikee Quintos, Vaness Del Moral, Kate Valdez, at Enrico Cuenca.

Facebook Comments