Manila, Philippines – Inamin ngayon ng aktres na si Jaclyn Jose na niyaya niya ang anak na si Andi Eigenmann na niyaya niya ito na lumipat na sa Kapuso network kung saan siya ngayon nagta-trabaho.
Say ni Jaclyn, since tapos naman na ang kontrata ni Andi sa kapamilya mas gugustuhin daw niya itong makasama sa iisang network.
Pero, dagdag ni Jaclyn nasa management pa din daw ang desisyon kung kukunin nila ang kaniyang anak na si Andi na kasalukuyang nagbabakasyon sa isang beach resort.
Sa ngayon daw ay mas tinututukan muna ni Andi ang sarili nitong anak na si Ellie habang wala pang offer.
At pag-amin pa ni Jaclyn, in good terms na din daw sila ni Jake Ejercito na ama ng kaniyang apong si Ellie.
Facebook Comments