Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Navy na bantayan ang karagatang namamagitan sa Mindanao at Visayas Region.
Ito ay matapos niyang ideklara ang Martial Law sa buong Mindanao dahil narin sa Teroristang Grupong Maute.
Ayon kay Pangulong Duterte, ito ay upang maiwasan ang spill-over o ang paglipat ng teroristang Grupo sa Visayas Region at doon makapanggulo.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na possible niyang palawigin ang Martial Law at isama ang Visayas Region sakaling mapunda doon ang gulo.
Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na ang kanyang pagdedeklara ng Martial Law ay upang mapigilan lamang ang Terista at hindi ito para sa mga sibilyan na sumusunod sa batas.
DZXL558, Deo de Guzman
Facebook Comments