Karagdagan pang modernized jeepney, binigyan ng ruta sa Quezon City – LTFRB

Karagdagan pang modernized jeepney sa ilalim ng PUV Modernization Program ang inilunsad sa Quezon City.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 15 OFG Compliant Units ang inilunsad ng Fairthron Transport Service Cooperative.

Ang bagong units ay tatakbo sa rutang Fairview-SM North sa Quezon City.


Sabi pa ng LTFRB, ito ay unang batch pa lamang ng modernized units ng transport cooperative na sumusuporta sa programa tungo sa mas mataas na antas ng pampublikong transportasyon.

Facebook Comments