Umarangkada na ang biyahe ngayong araw ng 1,333 na traditional jeepneys sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ang mga Public Utility Jeepneys (PUJs) ay pinayagan nang makabiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 23 ruta sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Mahigpit ang paalala ng LTFRB sa jeepney operators na huwag kaligtaang ipaskil sa windshield ng kanilang unit ang ibinigay na QR Code para sa tuluy-tuloy na pagbiyahe.
Paalala rin ng ahensiya na hindi puwedeng magtaas-pasahe ang mga jeepney at mananatili sa ₱9 sa unang apat na kilometro, at piso at singkwenta sentimos sa bawat susunod na kilometro.
Dapat din silang sumunod sa health at safety measures kabilang ang maximum na 50% carrying capacity, temperature checks at pagsusuot ng face masks at face shields na mandatory sa mga drayber at pasahero.
Sa kabuuan, aabot na sa 13,776 units ng traditional PUJs ang pinayagang makabiyahe ng LTFRB sa 149 mga ruta habang 786 units naman ng modern PUJs para sa 45 na.