KARAGDAGAN | Waiting Shed sa Downtown Area ng Dagupan dadagdagan

DAGUPAN CITY – Balak dagdagan ang waiting shed sa Downtown Area ng Dagupan City ngayong taon para sa mga nag-aabang na pasahero dito ayon sa Planning Information Office ng Dagupan.

Ayon Arch.Joemel P. Solano UAP, RMP na ang target location na kanilang paglalagyan ng bagong waiting shed sa downtown area ng Dagupan City ay ang harap ng Limpan sa Perez, Arellano StA.B. Fernandez East, University of Luzon, Dagupan City National High School, at West Central Elementary School. Mayroon ng budget ang nakalaan dito at plinaplantsa na lamang ang lano.

Ngayong taon di umano nila mauumpisahan ngunit wala pang eksaktong petsa at buwan kung kailan ito uumpisahan. Isa sa mga dahilan kung bakit pinatupad ang new waiting shed ng downtown area ay para sa proteksyon sa mga dumadaang tao at sasakyan at ito din ang nagsisilbing upuan nila habang naghihintay ng kanilang masasakyan.


Report by Austine Nicole Molina & Jessa Corpuz

Photo-credited to Mayor Belen T. Fernandez FB

Facebook Comments