Magdo-donate ang U.S government ng halagang ₱269 milyong o $5.3 million para sa health at humanitarian assistance nang sa ganun ay malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.
Batay ito press release ng US Embassy sa harap ng nararanasan rin krisis ng Amerika dahil sa COVID-19.
Ang milyong halagang tulong ng Amerika ay para suportahan ang laboratory at specimen transport systems at tulong para sa pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga positibo sa COVID-19.
Bukod sa tulong na ito, una nang nagbigay ng ayuda ang Estados Unidos sa Pilipinas na aabot sa ₱203 million o $4 million para panggastos sa mga paghahanda sa laboratory systems at donasyong 1,300 personal protective equipment (PPE) para sa medical facilities.
Ayon sa US Embassy, aabot na sa ₱470 million o $9.3 million ang kabuuang naitulong ng Amerika sa Pilipinas ngayong nakakaranas ng national health crisis ang bansa.