Karagdagang 1.8 million doses Pfizer COVID-29 vaccine, dumating sa bansa kaninang madaling araw

Karagdagan pang 1,813,500 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa kaninang madaling araw .

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong may dala ng Pfizer vaccine alas-4:15 kanina.

Ito’y dagdag mula sa naunang 889,200 doses ng Pfizer vaccine na dumating kahapon ng hapon para sa kabuuang 2,702,200 doses na shipment ngayong weekend .


Tulad ng sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, naka-focus pa rin na mabigyan ng bakuna ang mga nasa A2 at A4 category at bahagi din nito ay ibibigay sa posibleng inoculation ng mga kabataan ngayong October 18.

Facebook Comments