Karagdagang 10 barangay na naapektuhan ng krisis sa tubig, hindi pagbabayarin ng Manila Water

 

Karagdagang 10 barangay ang hindi muna sisingilin o malilibre ng kanilang bayarin sa tubig matapos ang nangyaring krisis noong nakaraang buwan.

 

Ayon sa Manila Water, isinama na nila sa ipinapatupad na full waiver sa water bill ang mga barangay na lubhang naapektuhan ng water shortage.

 

Dahil dito, hindi muna pagbabayarin ng kanilang monthly bill ang mga residente sa mga sumusunod na barangay sa lungsod ng Mandaluyong;


Barangay Ilaya

Barangay Barangka Itaas

Barangay Mauway

Barangay Pleasant Hills

 

Sa lungsod ng Pasig;

Barangay Pineda

Barangay Ugong

 

Sa lungsod ng San Juan;

Barangay Addition Hills

Barangay Sta. Lucia

 

Sa Binangonan, Rizal;

Barangay Macamot

at Barangay Tatala

 

 

Facebook Comments