Karagdagang 10-K non-teaching positions sa mga pampublikong paaralan, aprubado na ng DBM —Palasyo

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng karagdagang 10,000 non-teaching positions para sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na paigtingin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Magiging mga Administrative Officer II na may Salary Grade 11 ang mga kukuning kawani na ilalagay sa mga elementary, junior at senior high school.

Dahil dito, mas gagaan ang trabaho ng mga guro dahil aalisin na sa kanila ang administrative at ancillary tasks at matututukan na nila ang pagtuturo at paggabay sa mga mag-aaral.

Ang dagdag na 10,000 non-teaching position ay bukod pa sa nilikhang 16,000 teaching positions para sa darating na school year.

Sabi ni Castro, nasa P4.19 billion ang pondo na inilaan para sa dagdag na mga guro na nakapaloob sa regular na alokasyon ng Department of Education sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.

Facebook Comments