Karagdagang 10 milyong doses ng COVID-19 vaccines, tatanggapin ng Pilipinas mula sa COVAX facility

Aabot sa 10 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang matatanggap ng Pilipinas mula sa COVAX facility.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, karagdagang tulong ito sa Pilipinas na inaasahang darating sa susunod na mga linggo.

Hindi naman masabi ni Abeyasinghe ang timeline ng pagdating ng mga bakuna.


Sa ngayon, nakatanggap na ang Pilipinas ng 4,584,000 AstraZeneca COVID-19 vaccines, 2,660,580 Pfizer-BioNTech vaccine, 3,000,060 Moderna vaccine doses, 3,240,850 Janssen (Johnson & Johnson) vaccine mula sa COVAX facility.

Facebook Comments