Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa mga PNP Regional Offices sa Western Visayas at Eastern Visayas na mag-deploy ng karagdagang isang daang (100) pulis sa Cebu City.
Ito ay para tumulong sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Cebu matapos na muling ipatupad ng gobyerno ang ECQ sa lugar dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Iniutos din ni PNP Chief kay Director for Integrated Police Operations in Visayas (DIPO-Vis) Police Major General Israel Dickson na bantayan ang mga pulis na itinalaga sa Cebu City.
Pinatitiyak din ni Gamboa sa Regional Health Services ng PRO 6 at PRO 8 ang kalusugan na mga pulis pagdating at pagalis ng Cebu City.
Facebook Comments