Karagdagang 15,000 doses ng Sputnik V, dumating na sa bansa

Bukod sa 578,000 doses ng AstraZeneca vaccines na dumating sa bansa kaninang umaga, panibagong 15,000 doses ng Sputnik V vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong hapon.

Ang naturang mga bakuna ay lulan ng Qatar Airways flight QR932 na lumapag sa NAIA Terminal 3.

Sa darating na Linggo, August 15, dadating din sa bansa ang 469,200 doses ng Moderna vaccines.


319,200 doses dito ay binili ng pamahalaan ng Pilipinas, habang ang 150,000 doses ay binili ng pribadong sector.

Sa kabuuan, mahigit 42 million doses na ng bakuna ang tinanggap na ng Pilipinas sa taong ito.

Facebook Comments