Dumating na sa bansa kagabi ang ikalawang batch ng Sputnik V vaccines mula sa Russian manufacturer na Gamaleya Research Institute.
Ang 15,000 ay dala ng Qatar Airways flight at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, alas-9:56 ng gabi.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 10 million doses ng Sputnik V ang kukunin ng pamahalaan mula sa Gamaleya.
Ang kontrata ay maaari pang i-expand hanggang 20 million doses.
Sinisikap ng pamahalaan na magkaroon ng steady supply ng bakuna para mapabilis ang pagbabakuna sa mga Pilipino at maabot ang herd immunity.
Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo na bagong batch ng Sputnik V vaccines ay Component 2 o para sa second dose.
Ilalagay ang mga bakuna sa cold storage facility na hindi mataas sa -18 degrees Celcius.
Una nang dumating noong May 1, ang unang 15,000 doses ng Sputnik V na bahagi ng Component 1 o first dose.