Muling nag-donate ang China ng mga karagdagang medical supplies sa Pilipinas sa gitna ng paglaban ng bansa kontra COVID-19.
Kahapon nang dumating sa bansa ang unang batch ng 150,000 test kits at 18,000 disposable overalls habang ang natitira ay darating sa bansa mamayang gabi sa pamamagitan ng chartered flight.
Personal na tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang donasyon mula kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Nauna nang nag-donate ng libu-libong test kits at medical gear sa bansa ang China kung saan nagpadala rin ito ng team ng mga medical expert.
Paglilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga donasyon ng China sa gitna ng paglaban ng bansa sa COVID-19 ay walang kinalaman sa claim nito sa West Philippine Sea.