Abot sa 175 na mga assorted firearms mula sa mga bayan ng Matalam, North Cotabato at Datu Blah Sinsuat , Maguindanao ang isinuko sa mga otoridad kasabay ng mas pinalakas na kampanya kontra loose firearms sa AOR ng 6th Infantry Division.
Kahapon, mismong si 6th ID Commander General Cirilito Sobejana ang tumanggap ng 150 assorted firearms mula sa LGU Matalam. Present din sa aktibidad si North Cotabato Governor Lala Mendoza, kasama sina BGEN JESUS B SARSAGAT , Commander ng 603rd Brigade , BGEN DIOSDADO C CARREON Brigade Commander ng 601st Brigade , COL ALFREDO V ROSARIO JR INF – Commander 602nd Brigade PSSUPT MAXIMO LAYUGAN , Provincial Director ng North Cotabato PNP, Bangsamoro Council of Elders at MILF/MNLF Commanders.
Pinasalamatan naman ng 6th ID si Matalam Mayor Cheryl Catamco at mga Barangay Kapitan nito na nakiisa sa programa at adbokasiya ng military. Naging posible ang pagsuko ng mga baril sa tulong ng 7th IB at Matalam MPS.
Samantala, 25 mga assorted firearms din ang isinuko mula sa bayan ng Datu Blah Sinsuat kahapon. Nanguna sa aktibidad ang alkalde ng DBS kasama at mga elemento ng mga Marines ayon pa kay Cpt. Arvin Encinas sa panayam ng DXMY.
Inaasahan naman sa susunod na mga araw karagdaga 140 na loose firearms ang nakatakdang isuko sa 6th mula sa mga bayan ng Lanao Del Sur dagdag ni Cpt. Encinas.
7th IB PICS