Karagdagang 2.2 milyong doses ng AstraZeneca, darating sa bansa bukas

Aabot sa karagdagang 2.2 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang darating sa Pilipinas mula sa COVAX Facility bukas (June 23).

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, gagamitin ang mga bakunang ito sa mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, at mga mahihirap na Pilipino o yung mga nasa A1 hanggang A3 at A5 categories.

Maliban sa AstraZeneca, inasahang darating din sa bansa ang Moderna, Sinovac sa susunod na buwan.


Sa ngayon, as of June 20 ay nakapagbakuna na ang gobyerno ng aabot sa 6.2 milyong indibidwal na malayo pa rin sa target na 50 hanggang 70 milyong Pilipino.

Facebook Comments