Karagdagang 2 million doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

72

Dumating na ang karagdagang dalawang milyong doses ng Sinovac vaccines sa bansa.

Alas-siyete pasado kaninang umaga nang lumapag ang Philippine Airlines flight PR-361 sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminal 2 lulan ang mga naturang bakuna na bahagi ng binili ng gobyerno sa China.

Kasama sa sumalubong sa pagdating ng bakuna sina Sec. Carlito Galvez, Dr. Teodoro Herbosa, Jr. ng NTF at Dir. Ariel Valencia ng Department of Health (DOH).


Dadalhin ang mga naturang bakuna sa cold storage facility sa PharmaServ sa Marikina City.

Facebook Comments