Karagdagang 2,000 OFWs, dadating sa bansa ngayong araw

60

Aabot sa mahigit dalawang libong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dadating sa bansa ngayong araw.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) -Media Affairs Division, kabilang sa dadating ang 410 Pinoy repatriates mula Indonesia sakay ng Philippine Airlines flight PR 536, na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.


Nasa 322 naman na OFWs ang dadating mula sa Kuwait sakay ng Kuwait Airways flight KU1417, at lalapag naman sa NAIA Terminal 1.

410 Pinoy repatriates din ang dadating mula sa Lebanon sakay naman ng Qatar Airways flight QR3150.

400 Pinoy mula United Arab Emirates (UAE) na sakay naman ng Cebu Pacific flight 5J19, ang kasamang dadating ngayong araw.

Habang 350 Pinoy repatriates mula Riyadh sakay naman ng Saudi Airlines flight SV862, ang dadating ngayong hapon.

Bukod pa ito sa 108 Pinoy seafarers mula Singapore at 320 Pinoy repatriates mula UAE, kung saan aabot sa 2,320 kabuuang bilang ng OFWs ang inaasahang dumating sa bansa ngayong araw.




Facebook Comments