Karagdagang 200,000 na Manileño, matuturukan ng bagong dating na Sinovac vaccine ayon kay Mayor Isko Moreno

Karagdagang 200,000 na residente sa lungsod ng Maynila ang matuturukan ng Sinovac sa loob ng susunod na dalawang linggo kasunod ng pagdating ng bagong shipment ng naturang bakuna kontra COVID-19.

Ito ang ipinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa interview ng media sa NAIA Terminal 2

Mula sa 2 milyong doses ng bakuna na dumating kanina, 400,000 na doses ng Sinovac ang mapupunta sa Manila Health Office.


Dahil dito, kumpiyansa si Mayor Isko Moreno na makakasunod ang Maynila sa deadline ng pambansang gobyerno na makamit ang herd immunity pagsapit ng buwan ng Setyembre.

Dagdag pa ni Moreno, sa Maynila ay pwedeng maging “choosy” dahil bumabaha ng vaccine.

Ani Isko, tiyak na rin ang pagdating ng abot sa 800 thousand doses ng AstraZeneca vaccine na inorder ng Manila Local Government Unit (LGU).

Umaasa ang punong lungsod na makakahinga na ng maluwag ang mga Manileño pagsapit ng Disyembre.

Facebook Comments