Manila, Philippines – Inaasahang nasa 2,400 Overseas Filipino Workers (OFW) ang makauuwi na sa bansa sa susunod na linggo.
Ito’y matapos mag-aplay sa amnesty program ng Saudi Arabia.
Ayon kay Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac – sa July 25 nakatakdang magtatapos ang pinalawig na amnesty program ng Saudi government.
Nagbabala ang pamahalaan na sa mga OFW na kung hindi mag-a-avail ng amnestiya ay maari silang mapasama sa blacklist ng gobyerno ng Saudi.
Tiniyak din ang tulong pinansyal at pangkabuhayan para makapagsimula muli ang mga umuwing OFW.
Nabatid na mahigit 6,300 undocumented pinoy workers na ang nakabalik ng bansa.
*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*