
Nagpakalat ng karagdagang 25,000 pulis ang Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng seguridad ngayong Semana Santa.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Randulf Tuaño, inilaan ang dagdag-puwersa upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ani Tuaño, nagsimula ang deployment nitong April 14 at magtatagal hanggang April 20, 2025.
Matatandaang nauna nang nag-deploy ang PNP ng 40,283 na pulis, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na palakasin ang presensya ng pulisya sa mga checkpoint, chokepoint, pantalan, simbahan at tourist spots upang maiwasan ang anumang banta sa seguridad.
Facebook Comments