Karagdagang 30-days na GCQ sa NCR, inirekomenda ng Metro Manila Mayors sa IATF

Inirekomenda na ng Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force na mapanatili ang General Community Quarantine ng karagdagang 30 araw sa National Capital Region.

Sa interview ng RMN Manila kay Parañaque City Mayor and Metro Manila Council Chairman Edwin Olivarez, ito ang napagkasunduan sa lahat ng alkalde sa pagpupulong kahapon kasama ang ilang cabinet members bago ang pagtatapos ng GCQ ngayong araw.

Paliwanag ni Olivarez, ang basehan ng kanilang rekomendasyon ay ibalanse ang kalusugan at ekonomiya ngayong panahon ng pandemya.


Kaugnay ng pagbubukas ng mas maraming industriya, plano aniya ng mga alkalde na magpatupad ng mas pinaikling curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Ipapatupad din ang localized o granular lockdowns sa mga lugar kung saan mataas ang COVID-19 infections.

Inaasahang, iaanunsyo ngayong araw ni Pangulo Rodrigo Duterte ang bagong quarantine status ng Metro Manila at iba pang probinsya simula bukas.

Facebook Comments