Thursday, March 12, 2026

Karagdagang 30 pakete ng hinihinalang shabu, narekober sa Occidental Mindoro

Karagdagang 30 pakete ng hinihinalang Shabu ang narekober malapit sa lugar kung saan nakuha ang bilyong pisong halaga rin ng nasabing hinihinalang droga sa Occidental Mindoro.

Nabatid na 43 sako ang narekober ng militar mula sa isang malaking speedboat na sumasadsad sa tabing dagat ng Brgy. Harrison sa Paluan.

Ayon sa 2nd Infantry Division (2ID) ng Philippine Army, nakuha ng 76th Infantry Battalion ang mga pakete na tinatayang may tig-iisang kilo ang bigat.

Kung saan inaasahan naman na tataas pa ang kabuuang dami at halaga ng nasamsam na droga.

Ayon kay 2ID Spokesperson Col. Michael Aquino, nang sumadsad ang nasabing speedboat ng 2 foreign nationals ay may namataan pang isa pang speedboat na sakay ng dalawang Pinoy na inaresto rin.

Sa inisyal na imbestigasyon ay inutusan umano sila ng mga indibdiwal mula sa Nasugbu, Batangas para hanapin ang mga nawawalang dayuhan.

Patuloy naman ang search and security operations sa lugar habang isinasailalim sa imbestigasyon ang 2 foreign nationals na naaresto kahapon.

Facebook Comments