Karagdagang 4 na milyong benepisyaryo, makakatanggap na rin ng SAP

Makakatanggap na rin ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 tulong pinansyal ang karagdagang 4 na milyong low-income families.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Sinabi ng kalihim na kung dati ay 18 milyong mahihirap na pamilya ang nabigyan ng tulong pinansyal, sa naging desisyon ng Pangulo ay dapat lahat ng nangangailangan ay mabigyan kung kaya’t nadagdagan pa ng tinatayang 4 na milyon ang makikinabang sa nasabing programa.


Nabatid na marami pa rin kasi sa ating mga kababayan ang hindi nabigyan ng cash aid dahil wala umano sila sa listahan.

Paliwanag ng Palasyo, hindi current data ang nagamit sa master list kaya’t marami pa rin ang napagiwanan.

Kahapon, inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na extended ang deadline sa pamamahagi ng 1st tranche ng COVID-19 emergency subsidy program sa ilang lugar sa bansa.

Facebook Comments