Manila, Philippines – Aabot na sa 324 na mga miyembro ng New People’s Army ang na-neutralized ng Militar,
Ito ay simula noong Feb 4, 2017 nang itigil na nang pamahalaan ang peace negotiation sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army at ituring silang mga terorista,
Ayon kay AFP Public Information Office Chief Col Edgard Arevalo sa kabila nang maigting na operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa Maute terror group sa Marawi City.
Hindi rin tumitigil ang ibang tropa sa pagtugis sa mga miyembro ng NPA.
Sa katunayan habang nasa kasagsagan ng sagupaan sa Marawi City limangpung miyembro ng NPA ang na neutralize ng Militar at narekober ang 16 na armas.
Sa 50 mga na neutralize na NPA members 36 ay boluntaryong sumuko sa militar, 9 ang napatay at lima ay naaresto.
Umakyat sa 324 ang kabuuang ang na-neutralize na NPA simula buwan ng Pebrero.
Aabot naman sa kabuuang 77 high-powered at low-powered firearms ang kanilang narekober habang 76 ay isinukong armas ng mga rebelde.