Karagdagang 661,200 doses ng AstraZeneca vaccines, dumating sa bansa

62

Aabot sa 661,200 doses ng AstraZeneca vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Thailand.

Alas-9:14 kaninang umaga nang lumapag ang China Airlines flight CI-701 sa NAIA Terminal 1 lulan ang mga naturang bakuna.


Kasama sa sumalubong sa pagdating ng bakuna sina Chief Implementer, COVID-19 response Carlito Galvez, mga kinatawan ng Go Negosyo at ilang opisyal ng Department of Health (DOH).

Dalawang storage van ang magdadala sa storage facility sa Zuellig Pharma sa Parañaque at PharmaServe sa Marikina City.

Facebook Comments