Karagdagang 7.5 million doses ng Janssen COVID-19 vaccines, darating sa bansa ngayong linggo

Nasa 7.5 million doses ng Janssen COVID-19 vaccines ang darating sa bansa ngayong linggo.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 7, 538, 400 doses ng bakuna ay pawang mga donasyon mula sa Dutch government.

Inaasahang darating ang mga ito simula ngayong araw, Disyembre 13 hanggang sa Miyerkules, Disyembre 15.


Samanlata, nasa 7 million indibidwal naman ang target na mabakunahan sa gaganaping ikalawang 3-day National Vaccination Drive mula sa Miyerkules hanggang sa Biyernes, Disyembre 17.

Sa kasalukuyan, nasa halos 40 milyong indibidwal na ang fully vaccinated o higit kalahati ng target population na 77.1 million.

Facebook Comments