Karagdagang 93 PDLs, napalaya

Aabot sa 93 na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang panibagong napalaya.

86 sa kanila ay nabigyan ng parole ng Board of Pardons and Parole ng Department of Justice (DOJ).

Ang 7 inmates na napalaya ay napagsilbihan na ang kanilang sentensya at sila ay mula sa maximum, medium, at minimum security compounds ng New Bilibid Prison (NBP).


Samantala, asahan na rin ang paglaya ng mga bilanggong high-risk sa COVID-19 matapos na magdesisyon ang Korte Suprema na payagan silang makapagpiyansa, partikular ang mga convicted na may hatol na hindi bababa sa apatnapung taong pagkabilanggo o reclusion perpetua.

Facebook Comments