Karagdagang 961,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine, dumating sa bansa

68

Karagdagang 961,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa ngayong hapon.

712,800 dito ay mapupunta sa national government habang ang 248,000 ay sa pribadong sektor.


Ang naturang mga bakuna ay bahagi ng 2 million doses ng Moderna vaccine na dadating sa bansa ngayong buwan.

Malaking bilang nito ay ide-deliver sa Central Luzon, CALABARZON, Cebu at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa ngayon, 5 million doses na ng Moderna vaccine ang dumating sa bansa.

Facebook Comments