Karagdagang advance imaging technology para sa seguridad ng paliparan, hiniling ng OTS

Plano ng Office of Transportation Security (OTS) na gawing moderno ang buong seguridad sa paliparan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-install ng pinaka Advanced Imaging Technology (AIT) scanners sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang malalaking paliparan sa bansa.

 

Ayon kay OTS Chief na si Maria Apalsca, ang isang scanner ng AIT ay ligtas na nagsusuri sa buong katawan ng isang pasahero na tumatagal lamang ng humigit-kumulang 10 hanggang 15 segundo.

 

Sa pamamagitan ng AIT scanner, made-detect nito ang mga metal at hindi metal kabilang ang mga armas at pampasabog na maaaring itago sa ilalim ng damit ng pasahero.


 

Sinabi ni Aplasca na sinisiguro ng OTS ang kaligtasan at maginhawang karanasan ng mga manlalakbay alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

 

Ang unang limang Advance Imaging technology (AIT), na naibigay ng US Government ay inilagay sa mga huling screening checkpoints bago makarating ang mga pasahero sa boarding gate.

 

Umapela si Aplasca sa Department of Budget and Management (DBM) para sa budget para mabili ang high tech body scanner na ito at umapela rin siya sa mga opisyal ng US para sa posibleng karagdagang donasyon ng AIT scanner.

Facebook Comments